Adiksyon
sa Video Games
Talumpati
ni: Lloyd Elton Yu
Sa panahon na kinagagalawan natin
ngayon, ang paboritong gawain ng mga bata at pati na rin sa mga matatanda kapag
walang magawa o naiinip at walang gawain ay ang paglalaro sa mga larong virtual
or video games. Ang mga video games ay parang droga sa isang tao, nakaka adik
kahit na walang aktwal na droga na ginagamit. Ito ay nagbibigay ng aliw at saya
sa mga taong malulungkot at walang magagawa sa kanilang sobrang oras, parang
droga, binabalik balikan ito ng mga tao para makakaranas ulit ng labis na
kasiyahan. Araw-araw, milyong-milyong tao ang nagsasayang ng oras at pera sa
mga internet cafes para maka pag level up o makipag laban sa kanilang mga
kaibigan at pati na rin sa ibang tao sa mundo. Ang likas na kagustuhan ng tao
na manalo sa mga laro at kompetisyon ay naging ugat sa mga awayan at pati na
rin sa patayan dahil lang sa video games.
Napababayaan ng mga bata ang
kanilang pag-aaral dahil sa mga paglalaro ng video games, kapag hindi sila nag
aaral ng mabuti, wala silang magandang kinabukasan at hindi sila makakapag ipon
ng pera sa kanilang paglaki. Malaking distraksyon din sa mga matatanda ang mga
video games dahil masasayang ang kanilang oras sa paglalaro na magagamit sana
sa pagtatrabaho o paghahanap ng trabaho.
Ang pagiging adik ng mga tao sa
video games ay naging isang malaking isyu dahil sa mga estudyante na nag
cutting sa klase para lang maglaro sa bahay o sa internet café. Hindi na
lumalabas sa bahay para makipaglaro sa ibang mga bata. Walang alam ang mga bata
sa panahon ngayon tungkol sa mga laro noon tulad ng tumbang preso,
waring-waring, at pati na rin sa habol-habolan dahil nasa loob nalang sila
palagi ng bahay o café, naglalaro. Dahil sa labis na kasikatan ng mga larong
virtual, ginawa na itong larong kompetisyon sa iba’t ibang parte mundo, tinatawag
itong eSports or electronic sports kung saan dito naglalaro ang mga propesyonal
na manlalaro ng video games. Para itong Olympics para sa mga video games pero
nagaganap ito kada taon. Malaki din ang mga premyo na napapanalunan ng mga
manlalaro ito, umaabot sa $300,000 hanggang $20,000,000 depende sa laro at
kompetisyon.
Sa kabuoan nito, ang video games ay
nakakatulong sa maraming paraan tulad ng paglilibang. Ngunit ito ay nakakasira
ng buhay kapag nalalabisan. Maglaro ng video games ng sa wasto at mainam na
paraan at huwag pabayaang sisira ng kinabukasan.
No comments:
Post a Comment