Visiting
Forces Agreement
Talumpati
ni:
Vincent John G. Reoma
Ang
VFA o Visiting Forces Agreement ay ang pagdalaw ng mga Amerikano sa ating
bansa, gumawa ng mga base at pang parking sa ilang mga barko na pangdigmaan.
Noong
una talaga ay pinapaboran ko ang mga Amerikano. Sila ay parating nasa atin
bilang bayani sa digmaan at sila rin ay mabuti at alam kong makabubuti sa atin.
Ngunit nalaman ko ngayon na gusto nilang kunin mula sa atin ang Spratly
Islands. Binigyan raw tayo ng bagong armas pang laban sa mga sa mga kriminal at
mga terorista. Ngunit ano ang gamit ng mga bagong armas kung babagsak lang din
naman ang ating bansa? Yan ba talaga ang mga amerikano? Yan ba talaga ang
intensiyon nila? Tutulungan daw nila tayo, paano nila tayo matutulungan kung
wasak na ang ating bansa?
Poprotektahan
daw nila tayo laban sa tsina. Ngunit sa pagkakaalam ko sa kanilang batas ay idadaan
mula sa kongreso kung dideklara sila ng digmaan o meron silang protektahan. Ano
na ang mangyayari sa ating bansa kung hindi papayag ang kanilang kongreso na
protektahan ang ating bansa? Kung yan ang mangyayari, ayoko na sa mga
amerikano. Akala ko gusto nila ang kapayapaan sa mundo.
Kung
ito ang mangyayari, mabuti nalang at kaibigan na ang ating bansa sa tsina.
Binigyan tayo ng tsina ng 20 billion USD worth of deals, mga armas, kalye, tulay
at ang pinakamaganda pa ay hindi nila tayo aatakihin!
Ngayon
ay ayaw ko na sa Visiting Forces Agreement. katulad lang din ito sa World War 2, nakipag
digmaan ang mga hapon sa atin dahil maraming amerikano sa ting bansa na lumaban
sa kanila. Ito na ang oras sa pagbabago. Pagbabago na makabuti sa ating bansa.
China at Russia, ang bawat isa ay makatulong sa atin sa ekonomiya at sa
puwersang pandigma. Mabuhay ang Pilipinas!
No comments:
Post a Comment