Ang Same Sex
Marriage
Talumpati ni: Marcony Jayme
Sumasang-ayon
kaba sa same sex marriage? pero una sa lahat pag usapan muna natin kung ano ang
“Same Sex Marriage”. Ito ang pagpapakasal sa pagitan ng taong magkaparehas ng
kasarian.
kung
ako ang inyong tatanungin, “hindi” ang isasagot ko kasi ang tingin ko bilang
tao dapat natin gampanan ang ating “role” sa tamang paraan bilang tao kagaya ng
tamang pagmamahalan. Lalo na ngayon na moderno ang panahon natin mas dumarami
na ang kaso ng same sex marriage na dapat talaga natin bigyan ng pansin.
Dito
naman sa Pilipinas, pinag-uusapan na kung ipapatupad ba ang same sex marriage.
Marami namang sumasang-ayon. kadalasan ay mga LGBT ngunit marami na mang tutol
sa ideya na ito at lalong-lalo na ang simbahan at sana naman hindi ito matupad.
Isa pa ay kung mas rarami ang mga kaso ng same sex marriage merong posibilidad
na ito pa ay mas uusbong kasi mahimukin ang ibang LGBT ngayon na pwede na ang
pagpapakasal sa parehong kasarian na dapat talagang maiwasan.
Pero kung sakaling
matutupad man ang same sex marriage dito sa Pilipinas ay wala na akong
magagawa. Lahat tayo ay may kanya-kanyang desisyon sa buhay. Kahit na ganyan
sila wala tayong karapatan na manghusga sa mga taong ganyan kasi kahit kalian
ay wala tayong karapatan na manghusga sa ating kapwa tao kahit na mayaman ka
pa, sikat o kahit na isang ordinaryong mamamayan
kasi lahat tayo ay pareho lang sa tingin ng Diyos.
Sa kabuuan,
kahit pa hindi ako sang-ayon sa same sex marriage hindi ibig sabihin na hindi
ko ginagalang ang karapatan ng mga tao lalo na sa pagdesisyon para sa kanilang
buhay. Ang akin lamang nais iparating ay piliin kung ano ang tama at pagbutihin
ang pagdesisyon.
No comments:
Post a Comment