Same-sex Marriage
Talumpati
ni:
Lord Edwin C. Almoroto
Sa
simula, may dalawang kasarian lamang at di kalaunan ay umusbong ang ikatatlong
kasarian na tinawag na “Lesbian Gay Bisexual at Transgender” o kilala sa
salitang “Homoseksuwal”. Kasabay ng pag-usbong ng ikatlong kasarian ay ang same
sex marriage o pagpapakasal ng magkakatulad na kasarian.
Ang same sex marriage
ay lagi ng isang malaki at sensitibong usapin hindi lamang sa mga bansa na
talamak ang Kristiyanismo, kundi maging sa buong mundo. Ang mga tao ay may
kanya-kanyang opinyon ukol sa pagpapa-legal ng same sex marriage sa kani-kanilang mga bansa, at nagkaroon na
nga ng iba’t-ibang debate ukol sa nabanggit na usapin.
Una,
nakasanayan na natin na tanging lalaki at babae ang nakikita nating nagpapakasal
kaya hindi natin maiwasan ang magtaka kung magkaparehong kasarian ang
nagpapakasal. Sa Pilipinas kasi nakasaad na ang “marriage” ay pagitan lamang sa
babae at lalaki.
Ikalawa
ay dahil sinasabi na ito ay imoral,
nakaka-iskandalo, at nakakadiri. At para naman sa mga relihiyoso o iyong mga
nagsasabi na mayroon silang “malakas na pananampalataya” sa nasa itaas, ang
kanilang dahilan ay dahil ito (ang same sex marriage) ay kontra sa salita ng Diyos o isang
kasalanan.
Ikatlo at pang huli ay hindi natin maiiwasan na makita tayo ng
ibang tao kaya nilalait kung anong makikitang hindi kapaniwala gaya nalang sa
social media, madaming post ng malalaswang larawan at madaming mga bata ngayon
na aktibo sa social media na kung nakikita nila ay nagiging interesado sila at
maaaring maimpluwensiyahan sila na gayahin ito paglaki.
Sa
kabuoan, ako’y hindi sumasang-ayon na gawing legal ang same se marriage. Ang
akin lamang maipapayo ay mag isip muna bago gawin ang isang bagay na hindi ka
nais-nais sa paningin ng tao lalo na’t ang mga tao ay likas ng mapanghusga at higit
sa lahat sa mata ng Diyos sapagkat ito’y isang kasalanan.
No comments:
Post a Comment