Ang
Patuloy na Pag-alis ng mga OFW sa Ibang Bansa
Talumpati ni: Maria Daniela S.
Venezuela
Mahirap ang buhay sa
Pilipinas. Alam ng lahat iyon. Kaya marami sa atin ang naghahangad na makapunta
sa ibang bansa at pinili na mamuhay bilang isang OFW.
Ano nga ba ang ibig
sabihin ng OFW? Overseas Filipino
Workers ang tawag sa mga kababayan nating nangingibang bansa at nakipagsapalaran
sa kung anong trabaho ang naghihintay sa kanila.
Ang ating bansa ay
humaharap ng kahirapan. Kaya ang solusyon ng mga mamamayan upang kahit papano’y
matakasan ang kahirapan ay ang pangingibang bansa.
Nakakalungkot isipin na
parami na ng parami ang mga Pilipinong nangingibang bansa para
makipagsapalaran. Tayo’y likas na matalino at maparaan kaya’t marami sa mga
Pilipinong nangingibang bansa ay agad na makakuha ng trabaho. Pero hindi lahat
ay nagiging mapalad sa pangingibang bansa.
Kayod ang mga OFW saan
man sa mundo, upang mapakain ang kanilang pamilya at matustusan ang pang araw-araw
na pangangailangan, makapag-ipon ng malaki at maipadala sa pamilyang
naghihintay sa Pinas. Kahit sobra na ang pangungulila sa pamilya, binabalewala
na lamang nila ito at itinutuon ang atensyon sa pagtatrabaho at kahit na
mahirap at masakit ay kinakaya, para lamang may maiuwi rito sa Pilipinas.
Maraming Pilipino ang
nakikipagsapalaran parin hanggang ngayon. Hindi madali ang maging isang OFW
lalo na ang pag-alis sa bansang sinilangan, kaya ako ay humahanga at sumasaludo
sa kanilang pagtitiis, paghihirap at pagsasakripisyo hindi lang para sa sarili
kundi pati na rin sa mga pamilya nila.
No comments:
Post a Comment